Question:

IS MY TULA IS GOOD pls answer me seriously...

by Guest3261  |  12 years, 8 month(s) ago

0 LIKES UnLike

Wagas na Pagmamahal ang Tagapamahala ng Wika’t Kalikasan

Minsan sa buhay masaya't malungkot, magulot' makulay
Ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan,
Mula sa pagsilang, patungo sa kamusmusan
Maging sa paglaki, hanggang kamatayan.

Iisang diwang aangkinin
Iisang landas na tatahakin
Iisang mithiin ang sa puso'y sumisibol
Iisa rin ang himig na ating binibigkas

Ang buhay natin ay regalo ng kataastaasan,
Regalong buo't walang labis
Regalong taimtim at banal,
Regalong hanggang kailan ma’y atin.

Tayo’y ginawa ng may pagsinta’t pagiliw ng Poong May Kapal
Tayo’y ginawa na may tungkuling gagampanan.
Tungkuling pahalagahan ang bawat likha
Tungkuling bigyan pansin ang kulang.

Kalikasa’y bigyan mahal sapagkat ito’y buhay ng mundo,
Bigyang diin ang sumasaloob dito.
Sa pagising sa umaga liwanag ng araw sadyang masilaw sa matang may hiwaga,
Haplos ng hangin ay ginhawa ng daigdig
Tinig ng mga ibon, halimuyak ng mga halaman ay simoy ng saya ng bawat isa.
At bawat tindig ng mga tao’y ngiti ng sagradong mundo.

Wika’y ating mahalin sapagkat ito’y diwa ng mundo, sagrado at nagiisa.
Buong puso at may pagtitiwalang babangitin,
Buong buhay na aalagaan at gagalangin.
Mahal kita aking wika ikay akin, ako’y iyo walang hanggan na pupurihin.
Sapagkat wika ang daan ng pagkakaunawaan
Sapagkat wika ang daan ng karunungan at karangalan.

Mga tao ng mundo huwag mabalisa, tayo’y may papupuntahan
Magbigay ng pagmamahal sa mundong naghihintay
Buksan ang palad, iguhit ang pagbabago, simulan sa sarili.
Hali na! pamahalaan natin ang Wika’t kalikasan
Ito ang susi sa pinto nang kanaisnais na buhay.
Susi sa Wikang maka Diyos, Susi sa kalikasang nais ng Diyos.

Geoffrey Sodusta
5239455

 Tags: answer, Pls, seriously, tula

   Report

1 ANSWERS

  1. Guest4209
    YES

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 8 month(s) ago.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.