Question:

alamat ng palendag

by Guest1914  |  12 years, 9 month(s) ago

2 LIKES UnLike

alamat ng palendag

 Tags: alamat, NG, palendag

   Report

7 ANSWERS

  1. Guest8386
    HINDI Q NGA ALAM!P..........I...........

  2. Guest5268
    .............ewan tang inang yan hrap hnaPIN hanep!!!!!!!!!!!!!!!!!!1111
    sarap suntukin ng computer kung pede nga lang??????!!!!!!!!!!
  3. Guest5532
    “ANG ALAMAT NG PALENDAG (Kwento/Magindanaw).
    Salin ni Elvira B. Estravo ng “The Legend of Palendag”
    Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanaw. Ito’y
    galling sa salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang “paghikbi.”
    Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may
    habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang
    gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta.
    Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili.
    Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang
    damdamin at nakalilikha ng isang maganda at makaantig- damdaming musika.
    Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook.
    Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong
    Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man
    ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.
    Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya
    ng misyon sa isang malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang
    dalawa bago makaalis ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki.
    Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang
    susulat nang madalas.
    Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at
    pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y
    tuluyang nawala.
    Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang
    binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon.
    Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa
    mga magulang, maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan. Parati siyang
    umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang
    ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng
    dalaga. Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang
    matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag,
    ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
  4. Guest4151
    ui Guest20738798, maraming maraming salamat ah! =)
  5. Guest7387
    mramig slamat sayo guest20738798 npadali ang assignment ko
  6. Guest9279
    Sa WaaaaahkAs NaH HnaP!!! Din Kita HiraP eH ^_^
  7. Guest1155

    ..ish!!!!!! anu ba nman yan!!!!!!???????????...dapat yung totoo yung i post!!!!!!!!!!!

Sign In or Sign Up now to answser this question!
You're reading: alamat ng palendag

Question Stats

Latest activity: 12 years, 7 month(s) ago.
This question has 7 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.