Question:

ano ang apat na kayarian ng salita at halimbawa.

by Guest8593  |  12 years, 8 month(s) ago

0 LIKES UnLike

sa filipino po to....sana po masagot nyu ala me alam dito eh...!!!

 Tags: ang, ano, apat, halimbawa, kayarian, Na, NG, salita

   Report

2 ANSWERS

  1. Guest6464
    WIKA AT KULTURA
    Ni
    Prospero R. Covar
    Blg. 4
    Kayarian ng Salita
    Ang pantig katagag at salita ay inuuri ayon sa kung, ito ay 1) nagsasarili, o (2)
    nangangailangan ng tulong gaya ng; pag-uulit, pagkakaroon ng panlap, o kaya’y tinatambalan
    ng ibang salita.
    May mga salitang binubuo ng isang pantig lamang, halimbawa: si, kay, sag atbp.
    Mayroon ding kataga, halirnbawa: ako, ikaw, siya. Hindi malinaw ang kaibahan ng pantig at
    kataga karaniwan ay hindi tumatanggap ng panlapi o dili kaya’y inuulit. Sa ganang kanila,
    ang mga ito’y nakatayong nagsasarili.
    Maraming salita ang ating wika na hinahango sa salitang-ugat. Halimbawa, ang bahay
    ay salitang-ugat. Maaari itong ulitin gaya ng bahay-bahay. Puwede rin itong lagyan ng
    unlapi gaya ng maybahay, at maaari ring itong tambalan ng ibang salita para magkaroon ng
    bagong
    kahulugan, gaya ng bahay-dalanginan.
    Sa aking palagay, nakasalalay ang pagiging malikhain ng Pilipino sa paraan ng
    pagbubuo ng iba’t ibang kayarian ag salita gaya ng: pag-uulit, pagtatambal, at paglalagay
    ng panlapi, i.e., unlapi, gitlapi, at hulapi.
    Sa aking klase kamakailan, pinag-aralan namin ang pagbabanghay ng salitang bahay
    ayon sa iba’t ibang kayarian. Ganito ang naging kinalabasan: taong may kinalaman sa
    banghay ng bahay -- maybahay, kapitbahay, ibinabahay, atbp.; gusali -- bahay-kubo,
    ba-hay-na-bato, sinaunang-bahay, atbp.; gamit ng bahay -- bahay-pamahalaan,
    bahay-paaralan, bahay-aliwan, atbp.; lugar – bahayan, pinagbahayang, kabahayan,
    pinagbahayan, kabahayan, atbp.; at marami pang iba’t ibang kahulugan ang maaaring
    hanguin sa salitang--ugat na bahay.
    Kung sa wika ay nababanaag natin ang pagiging malikhain ng Pilipino, ganito rin ang
    ating pagiging malikhain sa ibang larangan o paglinang ng iba’t ibang bahagi ng ating
    ang-araw-araw na buhay.

  2. Guest6297
    hoy abno wla polos
Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 10 month(s) ago.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.