0 LIKES LikeUnLike
ano ang topograpiya ng rehiyon XI ng davao
Tags: ang, ano, Davao, NG, rehiyon, topograpiya, xi
Report (0) (0) | 12 years, 8 month(s) ago
Tulad ng ibang rehiyon, ang Rehiyon ng Davao ay binubuo ng malalawak na kapatagan, mga burol at kabundukan. Sa kanlurang bahagi nito makikita ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Bundok Apo na may taas na 2,954metro mula pantay-dagat. Narito rin ang Bundok Latian at Bundok Hamiquitan. Malalawak ang kagubatan at kakahuyan sa mga kabundukan ng rehiyon. Mahaba naman ang baybaying makikita sa Davao Oriental.
Marami ring ilog na bumabaybay sa mga lalawigan ng rehiyon. Pinakamahaba sa mga ito ang Ilog Agusan. Ang pag-apaw ng mga ilog dito ay nakatutulong sa mga lupang taniman. Nag-iiwan ito ng matabang lupa na angkop pagtaniman ng sari-saring halaman.
Ang ikaapat na uri ng klima ang nararanasan ng rehiyon. May mga pag-ulang nararanasan ang rehiyon sa buong taon.
Latest activity: 13 years, 4 month(s) ago. This question has 2 answers.