Question:

anu ang kultura ng Pilipino bago dumating ang Kastila

by Guest1857  |  12 years, 8 month(s) ago

5 LIKES UnLike

anu ang kultura ng Pilipino bago dumating ang Kastila

 Tags: ang, anu, bago, dumating, kastila, Kultura, NG, Pilipino

   Report

3 ANSWERS

  1. Guest8367
    Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

    Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian,tradisyon,mga sining,sistema ng edukasyon,musika at pamahalaan.

  2. Guest3803
    hi
  3. Guest5055

     ang uri ng pamumuhay ng sinaunang ilipino ay simple lamang. may tatlong lidersa ating lugar. ito ay ang mga sultan, datu at lakan . ang sultan ay namumuno sa sultanato. at ang datu ay namumuno sa baragay. ang barangay ay nakuha sa slitang "balangay". ang balangay ay isang sasakyang pandagat. at noong panahon ng sinaunang pilipino, sila ay naninirahan sa kweba lamang ang iba namay sa taas ng puno.  

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 1 month(s) ago.
This question has 3 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions