Question:

how can i send an email to wish ko lang

by Guest9845  |  12 years, 10 month(s) ago

1 LIKES UnLike

Dear Wish Ko Lang
Meron Po akong tutulungan kaso lang wala akong pera eh!Isan Matanda Po Na maron siyang anak na baliw  mahirap sila at nakakaawa po sila 76 amng edad na lola ko pero hindi ko po totoong lola tatawagin ko lang siyang na lola tulungan niyo po sila nakatira sila sa Babag 2 lapu0lapu City Maraming Salamat Po

Nanggagalang,
Nica T. Balogbog
nica.balogbog@yahoo.com
Mactan Engano Ibabao Lapu-Lapu-City

 Tags: email, ko, Lang, send, wish

   Report

6 ANSWERS

  1. Guest9179
    Dear Wish Ko lang,
        
           Maligayang pagbati po sa inyong programa, nawa'y datnan kayo ng aking liham na ito na nasa maayos na magandang kalusugan. Ako po si Mercy Faustino, nakatira sa  bayan San Pablo, Bataan. Napanood ko po kasi ang proklamasyon ng ating bagong Presidente  at naiyak po ang aking kapatid sa mga sinabi niya.. Mam Vicki maysakit po ang ate ko at nagdadialysis po siya sa loob ng 10 taon.Sana po mabigyan ng sapat tulong pinansiyal ang mga maysakit na gaya niya na pilit nilalabanan and sakit na ito. Malakas lang po ang pananampalataya ng kapatid ko kaya hanggang sa ngyon ay buhay  pa siya. Sana po mabigyan ng pag asa ng bagong pangulo ang mga taong gaya ng ate ko. Sana po magkaroon siya ng programa sa mga pasyente lalo sa mga nagdadialysis.. Maraming salamat po sa inyo at nawa'y tumagal pa ang programa ninyo dahil walang sawa kayong tumutulong sa mga mamamayang pilipino..

  2. Guest2281
    Dear wish ko lang,
          
         Sumulat po ako sa programa niyo para humingi ng tulong para mapag-bigyan ang mga huling hiling ng aking ina. Ako po si Maricar sala ng Blk-34 Lot-27 San Vicente Homes, Sta. Maria Bulacan. Ang aking ina po ngayon ay humaharap sa sakit n Colon Cancer at my taning na po ang kanyang buhay. Nais ko lang po sana mapasaya sya sa tulong ng inyong programa. Gusto ko po sana ilapit sa inyo ang paghingi ng tulong para sa citi-scan at ibang kakailanganing mga test ng aking ina. Hindi na rin po namin makaya suportahan lahat ng kailangan nya gawa ng kakapusan din po nanim. Ang aking ama ay my dinadala din pong kapansanan. Ang kanyang binti ay lumiit n ng lumiit sa kaliwang bahagi at marimi din po syang karamdaman. Sana po ay matulungan nyo po ang aking mga magulang. Ang hiling lang po ni mama ay magkaroon sila ng araw araw n mapag kukunan ng kanilang pangangailangan at gusto ko rin po sanang mapagkalooban sya ng entertainment n gamit katulad ng television dahil wala na po silang tv gawa ng bagyong Ondoy noon, halos wala ng natira sa amin na kagamitan. At hiling ko din po na mapasaya sila ng aking ama kahit sa huling sandali ng kanilang buhay.

          Umaasa po ako na sana matugunan nyo po ang mga natatangi kong hiling. Gusto ko po sanang ipag-patuloy ang aking pag-aaral, hindi na po kaya ng magulang ko kaya maaga din po ako nagkaroon ng sariling pamilya at dalawang anak. Maraming salamat po. More power sa show nyo at sana marami pa po kayong matungan kagaya naming mahihirap.

           Maraming salamat po,
           Maricar sala ng Sta.Maria, Bulacan
  3. Guest8624

     dear wish ko lang... Aq po c carol tapar n nakatira s Bagong Purok Brgy. San Jose antipolo City ay kumakatok s inyong programa upang humingi po ng tulong tungkol po s aking pamangkin n c danica gerance n may kapansanan s tenga.... sya po ay n bingi nuong 4 n taon palang po sya...!!! dahil po dito ito po ay naging hadlang s kangyang pagtaapak s school.. 3years n n po syang pumapasok s grade1 peo tumitigil po sya agad dahil po s kanyang kapansanan.... tulad ng ibang bata sya po ay d maiwasang tuksuhin ng kapwa nya kaklase kayat minabuti po nalang namin n patigilin sya dahil po s naaawa po kami s kanyang kalagayan... nangangailangan po sya ng hearing aid upang s ganin po ay makarinig pong muli  sya at makapag aral... mahirap lang po kami at awala po kaming kakayanan bumili ng kanyan po sanang panagangaailangan!!! ang kanaaya nman pong mga magulang ay walang hanap buhay... $ po ang kapatid nya n maliliit p po... ako po ay lubusang umaasa at magpapalasamat sainyong ibibigay n tulong... sana po ay mabasa po ninyo ang aking liham marami pong salamat sainyo lubos n gumagalang Carol Tapar po eto po ang aking contact nu# 09482092255

  4. Guest4467

    Dear wish ko lang;

    Una po sa lahat nais ko kayong batiin ng merry christmas. ako nga po pala si Glecyth Tendido, 16 taong gulang.nakatira sa sitio Pianga ligaya sablayan occ. mindoro.

    Ang tangi ko pong hiling ngayong pasko ay maipagamot ang aking papa. sa sakit na skin disease.Matagal na po siyang may sakit na ayon. Almost 8 years na. hindi naman po namin maipagamot dahil wala kaming pera. ang mama kopo ay maliit lang na tindahan ang pinagkakakitaan.

    Kung inyo pong makikita ang kanyang kalagayan, marahil awa ang inyong mararamandaman. Hindi naman po namin siya maipagamot dahil wala nga po kaming pera. hindi ko nga po alam kung makakapasok ako ng college next year. graduating po kasi ako ng high school ngayon.Gusto ko rin po makapagtapos ng pag aaral.

    Sana po ay matulungan ninyo kami.

    lubos na umaasa at nagpapasalamat

    Glecyth M.Tendido

  5. Guest4184

    dear wish ko lang,


            Una po sa lahat,nais ko kayong batiin ng Merry christmas.nais ko po sanang tulungan nyo ako na matupad ko ang pangarap ko para sa aking ama na maoperahan ang kanyang mata.sapagkat sya po ay may katarata sa mata.hirap na hirap na po syang makakita,kahit nga po kaming mga anak nya ay hindi nya na din halos makilala.


           yan lang po ang tangi kong maereregalo sa aking mga magulang.mahirap lamang po kami at ang aking mga magulang ay walang pinagkakakitaan.sana po ay matugunan nyo ang aking munting kahilingan...


          Ako din po sa aking sarili ay may munting kahilingan,na maipatanggal po ang mga lumalaki kong nunal sa mukha,kasi po madalas ako ang tampulan ng tukso..minsan nga po ay umiiyak nalang ako dahil dito.


         sana po ay tulungan nyo kami kasama ang aking buong pamilya...ako po ay nakatira sa BRGY.SAN NICOLAS SABLAYAN OCCIDENTAL MINDORO


     


                 salamat po...GOD BLESS AND MORE POWER...


     


                                                                                                    Umaasa,


                                                                                         Cecille E.Dela Cruz

  6. Guest6255

    Dear Wish ko lang, Warm Greetings! I'm your avid viewer ever since, mula pa kay bernadette hangang ngayon po sa iyo Ms. Vicky Morales. and beside maka GMA po ako sa lahat ng TV programs, Ako po si Delia  H. Dalagon na taga Brgy.2, San Francisco, Agusan del Sur.  Mam Vick, Sumulat po ako sa nyo, not for my self but for the Womens Association ng aming barangay. Gusto ko sanang tulungan ang mga kababaehan sa kanilang Livelihood Program para kahit papaano ay magkaroon cla ng additional income  for their family lalo na ngayon na bago lang kami nasalanta ng baha. Marihap lang po ang aming Barangay kaya hindi nito ma address ang aking hiling. Sana po ay mabigyan pansin ang liham kong ito. at mabisita nyo po ang aming Bayan sa Agusan Sur particularly sa San Francisco. Thank you and More Power to your Program. GOD BLESS!

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 2 month(s) ago.
This question has 6 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.