0 LIKES LikeUnLike
paano po sumulat sa wish ko lang
Tags: ko, Lang, Paano, PO, sa, sumulat, wish
Report (0) (0) | 12 years, 7 month(s) ago
Report (1) (0) | 12 years, 7 month(s) ago
Report (0) (2) | 12 years, 7 month(s) ago
dear wish ko lng,sana po nsa mayos kayong lagay lhat dyan dhil marami pa po kayong taong matutulungan. mam vicky sana mabasa mo tong liham ko na to na d pa huli ang lhat. mam vicky nag lakas loob na po akong sumulat syo dahil talagang tulong sa mga taong nakakunawa ang kailangan ko, mam vicky sa nov 24 ihahain na sa akin ang demanda at im sure po na d mag tatagal ay makukulong na ako tangap ko na po eto at nag iintay na lng ako ng araw naisip ko po kz na un po cguro ang kapalaran ko ang isip ko na lng po kung sakali na makukulong na ako maging lihim na lng para d na makaapekto sa mga anak ko at pamilya. alam ko mam vicky na may mas higit pa na may kailangan ng tulong sa akin pero naiisip ko din po na parepareho nman tyong anak ng diyos at kung natulungan ang iba cguro nman po pde din akong matulungan. mam ang malaking problema ko po ay ukol sa financial na aspect eto po ay pag kakautang na ng una ay maliit lang pero lumaki na ng lumaki dahil sa kakapatong ng tubo. mam bayaan mong ikuwento ko sayo ang pangyayari kung bkt nahkaganun. una po gusto ko pong malaman nyo na d ako manlolokong tao d man po ako napakabuting tao pero wala nman akong inagrabyado. naghangad lng din po ako na bumuti ang buhay and at the same time makatulong na din sa kapwa ko. mam ng una ang perang nahiram ko sa financing ay nagamit ko nman ng maayos sa pag nenegosyo at naiibabalik ko nman katunayan nakatulong pa ako sa iba upang makahiram din para tulad ko ay maka pagnegosyo din pero malaki po palang pagkakamali eto dahil ang iba sa tinulungan ko ay isa isang na wala at sa akin napatong ang mga hiniram nila. nasabay pa po ang pagkakasakit ko kaya kung ung dati na nahuhulugan ko ung utang ko at mga taong tinulungan ko na sa akin napasa ay d ko na kinaya at ang negosyo ko ay nawala na din. dahil sa hindi ko na paghuhulog ang interest ay lumaki na ng lumaki at d lng doble parang 4x pa po ang inabot willing po ako mag byad pero sa sobrang laki na nito kahit buong buhay ko na po cguro ako magbyad d ko na eto mababayaran kaya naisip ko po na ok na din po cguro sa akin ang magpakulong na lng. haharapin ko na lng po ni hindi nga po pumasok sa isip ko ang magtago o umalis ng lugar namin dahil naisip ko po na harapin na lng kung ano ang nakatakda sa akin. mam vicky ang tulong na lng po sana na gusto ko ay kung mabibigyan mo ako ng abugado sakaling masampa na ang kaso ko dahil wala din nman po akong pambayad pa sa abugado . sa kasalukuyan may hanap buhay pa po nman ako pero naisip ko po na bawat sentimo ko ngayon ay mahalaga para maiwan ko sa nanay at tatay ko na matanda na rin kung sakaling makukulong na nga ako. kung titignan mo ang pamumuhay ko d mo papaniwalaan ang sinasabi ko kz maayos pa nman kami na namumuhay pero ang isip ko nman d mo nman kailangan mag mukahang meserable kahit na batbat na ng problema ang buhay mo kaya pilit ko pa din kinakaya na maging maayos sa paningin ng iba. pero mama vicky ang d alam ng mga tao napakalaki ng problema ko na kahit sa magulang ko ay ayaw ko ng ipaalam dahil matanda na cla at ayaw ko ng magisip pa cla. sa kasalukuyan maayos ang aming tirahan pero ang d alam ng iba ang tunay na may ari ng bahay na eto ay isang mabuting kaibigan lng na nagtiwala para bgyan ako at ng magulang ko ng matitirahan habang cya ay wala kami muna ang pinatira nya sa bahay na hinuhulugan pa din nya. gusto ko po din sana humingi ng tulong sa tao na eto pero naisip ko po na d na po cguro tama na bgayan pa cya ng alalahanin dahil mahirap din po ang kanyang trabaho sa ibang bansa at d nman din po kalakihan ang sahod ang alam ko po sapat lng d po para sa kanya. kaya mam vicky sana po matulungan po nyo ako bago mahuli ang lahat maniwala po kayo na mabuti akong tao kahit na po mag pa imbestiga ka pa sa katauhan ko katunayan dahilan din po sa gusto kong tumulong sa iba ang reason kung bkt ako na down sa buhay. nag mamakaawa po ako sa inyo mam sana po tulungan nyo ako gulong gulo na po ang isip ko at kung ano ano na ang pumapasok na gawin ko. minsan po naisip ko na mag abang ng magandang kotse at bglang tumawid dahil cgurado nman na mayaman ang may ari nun nakakatawa kung iisipin pero talaga pong kung ano ano na ang naiisip ko. mam vicky pls po sana matulungan mo ako parang awa mo na po. lubos po akong nag papasalamat sa pag basa nyo ng liham ko na to. MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY KAYO.
LUBOS NA GUMAGALANG MERCY VERGEL DE DIOS/ GERTRUDES SUBD MANIBAUG PORAC PAMPANGA/ CEL. NO. 09284125690
Dear Wish ko lang
Magang Araw po sa inyo Wish ko Lang Sana po matulungan mo po ako n mahanap ko po yong daddy ko sa singgapore kasi po pagkapanganak ko po hindi ko napo nakita yong daddy ko may ron po ako picture po niya ako po ay nakatira sa Tenejero Balanga City Bataan At ako naman po si Dallyn Ramos ang pangalan po ng daddy ko ay Dallas Ok yee hihintayin ko po yong reply nyo hihintayin ko po sana nga po matupad po yong wishalam nyo po noong tatlong taon palang po ako Inioperahan po ako Magpapasalamat po ako na nabuhay po ako pwede po nyo akong tawagan sa number na ito:09193140270 or 09159452351 hihintayin ko po kayo.....
Nagmamahal Dallyn
Dear Wish Kolang
gusto ko pong tulungan niyo ang ating kong may canser sa matres plzzz help my sister Jennililet Cenido Escaner nakatira po kami sa Amaya Tanza Cavite Brgy 1. 7bwan na po siyang may sakit nagsimula po to sa kyawa tapos po pina kimo po siya ng 6na bwan dapat po 1taon ang pag kimo sa ate ko ngunit sa kahirapan napahinto ang pagkikimo sa aking mahigit 4na bwan hindi na kimo ang ate hanggang sa kumalat na ang kyawa sa buong katawan niya hanggang sa ulo kailangan ipagpatuloy ang pagkikimo at matangal ang matres ng ate ko at sipsipin ang kyawang kumalat sa ulo sana po matulungan niyo ang aking ate parang awa ni na po ate vicky plzzz atmay 4na anak po ang aking ate 2babae 2lalake plzzzz tulungan mo po ang aking ate..
THANK U
FOR HELP ME
244 Prk 4 Longos Calumpit, Bulacan.
Dear Wish Ko Lang,
Una po sa lahat ako po si christine marie 16 na taong gulang, ang aming pong pamilya ay masugod niyo pong taga suporta halos tuwing sabado ay ang inyo pong programa ang aming laging inaabangan nawa ay marami pa kayo matulungan at sana po ay isa po ako sa kanila.
Ni nais ko po na sumulat sa inyo dahil hindi ko na po kaya pang makita ang paghihirap na pinag-dadaanan ng aking mga magulang. Lima po kaming mag-kakapatid at ako po ang panganay, college student na po ako sa Bulacan Polytecnic college dito po sa Bulacan. Mrs. Vicky Morales sa hirap ng buhay nagagawang magsakripisyo ang bawat isa sa amin para matulungan po namin ang aming mga magulang.Ang trabaho po ng aming tatay ay gumagawa po siya ng garden display, samantalang ang aming ina ay pa sideline sideline po sa palengke at kung minsan nananahe ng mga damit at kurtina habang kami naman po ay nagtatanim ng damo sa bukid at nagtitiis sa init at gutom pang-tawid dahil para kami ay may kainin at pang baon sa pag-aaral, ngunit pagsamasamahin man po namin ang aming kita di pa rin po sapat dahil kung minsan isa sa aming magkakapatid ay nagkaka-sakit, ang aking lola ay hindi na rin po alam ang gagawin pati ang aking lola nahihirapan dahil sa amin ayoko naman po mawala siya ng hindi nasusuklian ang mga paghihirap niya po para sa amin.Nakakahiya mang aminin Mrs. Vicky pero wala na po halos natira sa aming mga kagamitan sa bahay dahil halos lahat ay naibenta na dahil wala na po kami pambili ng pagkain at karamihan po sa aming kinakain ya binibigay lang po ng aking lola at ng mga kaibigan po ng aming pamilya at nasabay pa nga po ang panganganak ng aking nanay.Sana po ay inyong mabatid ang aking panawagan mrs. vicky morales hanggang dito na lang po at sana ay inyong matanggap ang aking panawagan, sa totoo lang po nang hiram lang po ako ng pang upa sa computer shop dahil gusto ko pong maagapan ang pag hihirap ng aking mga magulang at wala na po talaga akong malapitan dahil alam ko po na sa programa niyo po ay WALANG IMPOSIBLE... yoon lamang po at marami pong salamat...
Lubos na gumagalang,
Christine Marie Dela Cruz
Latest activity: 12 years, 6 month(s) ago. This question has 14 answers.