Question:

pilipino:isang depinisyon ni ponciano pineda

by Guest9335  |  12 years, 9 month(s) ago

1 LIKES UnLike

pilipino:isang depinisyon ni ponciano pineda

 Tags: Depinisyon, ni, pilipinoisang, Pineda, ponciano

   Report

1 ANSWERS

  1. Guest3966

     Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo?

    Sabi nila’y Pilipino

    Ugat natin ay silangan

    Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay

    Galing doon sa malayo sa matandang kalupaan

    Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran

    2

    Naibigan itong pulo kaya’y dito nangagkuta

    Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang sagana

    May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala

    May samahan at ibigan, maayos at payapa

    May sariling wika

    Tayo raw ito

    Sa ante-panahon ng kolonyalismo

    3

    Walang abog

    Mula sa kanluran ang dayo’y sumapit

    Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig

    Siniil ang laya, kinamkam ang yaman

    Barangay ay binuwag

    Mga tala ay sinunog

    Abakada’y binawal

    Ipinasiyang mga mangmang

    Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay

    At naging alipin ang bayan kong irog

    Ma-iloko, ma-bisaya, ma-kapampangan, ma-tagalog

    Ito tayo

    Pilipino

    4

    At sa halip, at sa halip

    Pinalitang lahat-lahat

    Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura

    Kinastila itong dila

    Itong puso’y kinastila

    5

    Edukasyon ay hulog ng langit

    Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat

    Kastilalo’y ang panturo, kastilalo’y ang balangkas

    Kaya’t ako’y nagkastila

    Sa kaluluwa at sa balat

    Pinagtilad-tilad – ikaw, ako’t siya

    Sa adhika’y paghatiin – divide et impera

    At yumabong

    Ilukano’y ilukano

    Kapampanga’y kapampangan

    Bikulano’y bikulano

    Pangasina’y pangasinan

    Ang Cebuano’y Cebuano

    Iyang Waray laging waray

    Ang Ilongo ay ilongo

    Mga Muslim laging muslim

    Ang Tagalog ay tagalong

    Kanya-kanya tayu-tayo

    Masawi na ang sampangkat, malipol man ang santribu

    Huwag lamang tayo

    Huwag lamang ako

    Pagkat tayo’y ito

    Mga Pilipino

    6

    Ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik

    Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib

    Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas

    Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad

    7

    Kaya’t laya’y itinindig sa kislap ng mga tabak

    At sa Kawit nagwagayway ang maningning na sagisag

    Dapwa’t sasansaglit

    Pagsasarili ay inagaw ng malakas

    Dinagit ang dambuhalang diumano’y bagong mesiyas

    Diumano’y naparito upang noon ay iligtas

    Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak

    Ng gobyerno at ng laying para lamang sa di uslak

    8

    Di ngayon nga

    Awtoridad ay naiba

    Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema

    Ngunit ‘yon din: ang dayuha’y panginoon

    Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod

    Walang tutol

    9

    Edukasyon popular: kinano ang sistema

    Umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong

    Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin

    Naging kano sa kaisipan, naging kano sa pagsulong

    Sadyang gayon ang katwiran

    Masterin mo iyang wika’t

    Ang Kultura niyang wika’y ikaw iyang mamasterin

    Ang nangyari: ang produkto

    Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo,

    10

    Di gradwadong makabansa, hinding hindi Pilipino

    Divide at impera

    Ilukano’y ilukano

    Kapampanga’y kapampangan

    Bikulano’y bikulano

    Pangasina’y pangasinan

    Ang Cebuano’y Cebuano

    Iyang Waray laging waray

    Ang Ilongo ay ilongo

    Mga Muslim laging muslim

    Ang Tagalog ay tagalong

    Kundi rin lang itong akin

    Mabuti pang sa dayo

    Ito tayo

    Pilipino

    Isang lahing makaako, tayu-tayo

    11

    At nagdilim

    At kumulog at kumidlat at lumindol

    At ang ulan ay bumuhos at bumaha at umunos

    Ang sanlahi’y nagliliyab nalulunod

    Nagliliyab nalulunod

    12

    Ay, salamat sa karimlan

    Ay, salamat sa magdamag

    At sumikat ang liwayway ng maningning na liwanag

    Isang phoenix ang nabangon sa abo ng lumipas

    Nagmistulang manunubos ng naamis nating palad

    Kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo

    Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago

    Tenancy, ekonomiya, sosyeda, gobyerno

    Edukasyo’y nakaangkop sa lahat ng kailangan

    Nang sa gayo’y bumalikwas ang duhagi nating bagay

    13

    Pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo

    Bilang tanda ng luwalhati ng kahapong sinisiphayo

    Isang bansang hindi dayo

    Isang lahi’t bansang

    Pilipinong-pilipino

    Kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod

    Sa biyaya ng magandang katubusan

    Sambandila’t isang awit, isang wikang hindi hiram

    Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan

    14

    At pag ito’y natupad na

    At pag ito’y naganap na

    Masasabing taas noo

    Ikaw, siya saka ako’y

    Mga bagong Pilipino

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 12 years, 8 month(s) ago.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions