Question:

tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika

by Guest1953  |  12 years, 9 month(s) ago

0 LIKES UnLike

tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika

 Tags: Buwan, NG, pagdiriwang, sa, tema, Wika

   Report

5 ANSWERS

  1. Guest9807
    "Sa pangangalaga ng wika at kalikasan,wagas na pagmamahal ay talagang kailangan"

  2. Guest2897
    "Sa pangangalaga ng wika at kalikasan,wagas na pagmamahal ay talagang kailangan"
  3. Guest7972
    talata tungkol sa wikang pambansa, "Sa pangangalaga at Wika at kalikasan, wagas na pag mamahal talagang kailangan
  4. Guest7050
    SA PANGANGALAGA NG WIKA AT KALIKASAN, WAGAS NA PAGMAMAHAL TALAGANG KAILANGAN
    Poy Aguilar (piyesa para sa sabayang bigkas PUPQC)

    Punung-puno ng kadiliman, balot ng tubig ang kalawakan
    Wala pang may buhay, lahat ay walang saysay…
    Hanggang sa may nagwika – “Magkaroon ng Liwanag”
    At sumilay ang liwanag na kumain sa karimlan!
    Wika ang bumuo at lumikha sa kalikasan:
    Naghatid ng gabi at araw;
    Naghati ng tubig sa daigdig at kalawakan;
    Nagtipon sa lupa at nagpalawak ng karagatan;
    Nagpasibol sa damo, pananim at punung-kahoy sa kagubatan;
    Nagparangya sa araw, mga bituin at buwan;
    Nagpabukal nang sagana sa kinapal ng himpapawid, katubigan at kalupaan.
    Lahat ay nagkagayon, nalikha’t naisakatuparan nang dahil sa
    Wika ng Dakilang Maylalang!

    Buong ingat na isinaayos, perpektong inihubog,
    Nilala at nililok nang sa sangkatauha’y maihandog
    Ngunit pagdaka’y namulat,
    Kalikasa’y nawasak, naghihingalo’t niyurak
    Ng mga tagapangalagang pinaglaanan at pinagtagubilinan.
    Kagubata’y kinaingi’t tuluyang hinubdan ng kabirhenan
    Kabunduka’y kinalbo’t piñatag—tinayuan ng sambahayan.
    Karagata’y sinuyod, winasak mga koral na sa mga isda’y nagsisilbing kanlungan
    Binaboy ang mga ilog, basura’y doon kumubkob
    Nilason ang mga hangi’t sa paghinga’y nakasusulasok
    Kalikasan ngayo’y nakakaawa, pinagmalupitan, pinagsamantalahan…
    Nagsusumamo, nagmamakaawa – nagmamahal sa kanya’y matagal nang nawawala!

    Wika na sa kalikasan ay lumikha – ngayo’y nanganganib…
    tuluyan na rin bang mawawala?
    Paglimot sa kanya’t di-paglingon sa tunay na May-Akda—Tanda ng pagtataksil, pagkakaila’t pag-aalipusta!
    Iba’t ibang teorya sa wika’y nagsulputan
    Kanya kanya nang pag-angkin na wika’y sila ang pinagmulan…
    Bow wow, dingdong, yum yum, tata, pooh pooh,
    Yoheho, tararaboomdeay, lala, singsong, Aramaic—
    Isa-isang nag-aagawan, pumapalaot, lumulutang
    Glorya ng wikang pinagmulan, sino bang dapat patunghan?

    Wika’y kaloob ng Diyos, Kaloob ng Diyos ang wika!
    Sinumang pinanggalingan o pinagmulan, di na dapat pag-awayan…
    Tulad ng angking kalikasan, tao’y biniyayaan
    Wikang kanyang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan,
    Pagtanggap at paghahandog ng pagmamahal
    Ngunit tao’y sadyang makasarili’t walang pakundangan,
    Di inaantala na wika’y pangalagaan
    Tulad ng ating wika – wikang Pambansang naturingan
    Wikang Filipino ngayo’y nasaan na ba’t ano na ang kaganapan?

    Una kang niyurakan ng mga dayuhang kunwari ay relihiyoso at mapagmahal!
    Dumating sa bayang ito – dinatnang wika’y sa dyablo daw
    Ortograpiyang alibata palibhasa’y di nila maintindihan
    Sinunog! Binasura! Itinakwil! Demonyo raw ang pinagmulan!
    Salamat naman may mga Pilipinong nagtanggol sa kasarinlan
    Pilit na nagsabatas na Tagalog pambansang wikang tinatag ng Katipunan
    Nagtagumpay pansamantala ngunit nang kinalaunan,
    Muling sinakop ng mga dayuhang Ingles naman ang isinubo sa bunganga ng Tanan
    Kayraming nagsumikap, nangarap
    pambansang wika’y makamtan kasama ng kasarinlan
    Mahigit tatlong dekada ang lumipas nang tayo’y napagkalooban
    Wikang Tagalog muling naging pambansang wika
    batay sa tatlong mabibigat na batayan
    Ngunit palibhasa’y bayang Pilipinas ay pulu-pulo
    Pangkat-pangkat, at grupu-grupo
    Di-makapayag sa desisyong ito,
    Mga angking wikang katutubo pinipilit, tinutulak na maging kapalit nito.
    Salamat na lamang may ilang malikhaing Pilipino,
    Kinumpilan ang Tagalog nagbagong ngalang Pilipino
    Dumaan ang bayan sa mga sigalot kaguluhan
    Demokrasya’y pansamantalang ikinubli’t nanaig batas-militar!
    Nang dumating panibagong bukang-liwayway
    Muling isinilang ang kalayaan kasama bagong pambansang wika ng bayan!
    Wikang Filipinong nililinang! Mga wikang katutubo ang saligan!
    Payayabungin at pagyayamanin salig sa lahat ng wikang umiiral sa bayan.

    Palibhasa’y lahat ng bagay ay dumaraan sa pagsubok
    Wikang Filipino’y pilit pinababansot!
    Maraming iskolar ang nagmamarunong, sariling talino’y pilit isinusulong!
    di-matanggap di mapagtanto, na wika’y kusang lumalago.
    Tulad ng tao, ng bayan, ng bansa at ng mundo
    Wika’y umiinog, sumusuot, pumapailanlang, pumapaimbulog!
    Likas na isinisilang, namamatay, nadedevelop…
    Pagmamahal, pag-aaruga at pagkanlong
    Kailangang maisulong tungo sa makabuluhang intelektwalisasyon!

    WIKA at KALIKASAN, kailangang pangalagaan
    Parehong handog at bigay ng Diyos na may lalang!
    Mabuti at maayos nang sa ati’y iniwanan!
    Ngunit ngayo’y kapwa nasisira’t pinagsamantalahan!
    WAGAS na PAGMAMAHAL ang talagang kailangan
    Upang sila’y tunay na mapangalagaan
    Tulad ng pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan
    Bugtong na anak Niya’y inihandog-pantubos sa ating kasalanan!
    Pagsasakripisyo sa sariling kagustuhan
    Kalooban man ay nasasaktan
    Gagawin at magpaparaya nang maipahayag pagmamahal na wagas
    Ngayon, kami sa inyo ay nananawagan…
    Kalagayan ng wika’t kalikasan muli nating tunghayan
    Iyo na lamang ba siyang pababayaan?
    O pagmamahal mong wagas iyong ilalaan?
  5. Guest7894
    ano ang masasabi mo tungkol sa tema na "sa pangangalaga ng wika at kalikasan, wagas na pagmamahal ang kailangan?
Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 8 month(s) ago.
This question has 5 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.