Question:

ANG PABULA NG ANG LEON AT ANG LAMOK

by Guest6796  |  11 years, 2 month(s) ago

5 LIKES UnLike

Kung ang sinuman sa inyo narinig ang kwento ng leon at ang lamok? Gusto kong basahin ang pabula ng leon at ang lamok, mangyaring ibahagi ito dito. Naghihintay para sa iyong sagot.

 Tags: ang, lamok, Leon, NG, pabula

   Report

3 ANSWERS

  1. Guest5793
    paiyot nga sa pwet

  2. Guest3226
    Sa isang kagubatan, masayang naninirahan ang lahat ng mga hayop. Lahat ay nagkakasundo at nagbibigayan hanggang sa dumating ang isang lamok. Napakayabang ng lamok na iyon at lagi siyang nagmamalaki.

    Minsan, hinamon niya ang mga hayop kung sino ang mas malakas. Lahat sila ay natalo dahil hindi nila matamaan ang lamok sa sobrang liit nito. “Hahaha! Wala nang makakatalo sa akin! Ako ang pinakamalakas na hayop dito sa kagubatan!” pagmamalaki ng lamok. “Hindi! Mas malakas sa iyo ang leon. Hindi ka mananalo sa kanya,” sumbat naman ng uwak. Nagalit ang lamok dahil hindi niya matanggap na may mas lalakas pa sa kanya. Dahil sa sinabi ng uwak, napag-isipan niya na hamunin ang leon. Nakarating naman agad sa leon ang balak na pag hamon ng lamok sa kanya. Narining din niya kung paano umasta at makitungo ang lamok sa iba pang mga hayop. “ Sige, tinatanggap ko ang kanyang hamon,” sabi ng leon.

    Nang naglaban na sila, ilang beses sinubukang sakmalin ng leon ang lamok ngunit kahit anong gawin nito ay hindi niya matamaan ang lamok sa sobrang liit nito. “Iyan lang ba ang kaya mo? Akala ko pa naman ikaw na ang makakatalo sa akin, ang hina mo pala!” pang-aasar ng lamok. Patuloy lang na tumitira ang leon ngunit hindi talaga niya matamaan ang lamok hanggang sa unti-unting napagod at sumuko ang leon.

    “Sinasabi ko na nga ba. Ako talaga ang pinakamalakas na hayop sa kagubatan. Wala nang makakatalo sa akin!” pagmamayabang nanaman ng lamok. Sa scobrang pagmamayabang niya, hindi niya napansin ang sapot ng gagamba sa kanyang daanan at nadikit siya doon. Hindi na siya naka alis sapagkat may dumating na gutom na gagamba at kinain siya. Nang mamatay ang lamok, marami ang natuwa dahil wala nang mayabang at babalik na sa dati ang kagubatan at ang pamumuhay ng mga hayop dito.
  3. Guest5094

     pwet ko

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 11 years, 10 month(s) ago.
This question has 3 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.