Question:

Ano ang Proyekto namin sa Filipino 1 sa klase ni Sir William P. Nucasa?

by Guest8931  |  12 years, 7 month(s) ago

0 LIKES UnLike

Ano ang Proyekto namin sa Filipino 1 sa klase ni Sir William P. Nucasa?

 Tags:

   Report

3 ANSWERS

  1. Guest1422
    William P Nucasa
    Kagawarang AS-TE-IT
    Kolehiyo ng San Luis
    Lungsod ng San Fernando, La Union

    Petsa: Agosto 10, 2009

    Sa Aking mga Mag-aaral sa Fil. 1
    (Komunikasyon sa Akademikong Filipino)
    RE:  Proyekto para sa Midterms

    Minamahal kong mga Mag-aaral,

    Isang pagpupugay!

    Nasa kalagitnaan na tayo ng semestre. At Muli, binabati ko kayo sa dedikasyong ipinamamalas ninyo kaugnay ng inyong pag-aaral. Tunay na kayo’y mga kabataang pag-asa ng bayan!

    Isang interdisiplinaryo at interaktibong gawain ang naisip kong ipagawa sa inyo ngayong Midterms. Aplikasyon ito ng lahat ng paksang napag-aralan natin, lalung-lalo na ng dalawang makrong kasanayan na katatapos nating talakayin—ang pagbasa at pagsulat. Katulad ng dati, inaasahan kong ibibigay ninyo ang lahat ninyong makakaya para sa proyektong ito.

    Tunghayan sa ibaba kung ano ang inyong mga gagawin:

    1) Bumuo ng grupo na may 5-8 miyembro. Pumili ng magiging lider.
    2) Pamuling pag-usapan ang Kuwento ng Isang Anghel ni William Padilla Nucasa. Anu-ano ang mga sinasabi sa kuwento? Anu-ano ang mga hindi sinasabi? Anu-ano ang mga aral na mapupulot?
    3) Bitin ang kuwento. Gawan  ninyo ito ng karugtong sa anyo ng isang iskrip. Ang iskrip ay dapat buuin ng 7-12 pahina o kung isasadula ay katumbas ng 10-15 minutong pagtatanghal.
    4) Ang pagpasa ng iskrip ay hanggang sa ika-21 ng Agosto, 2009. Maaaring ipadala sa wpnucasa-slc@yahoo.com o kaya’y iabot sa akin nang personal.
    5) Ang pagsasadula/pagtatanghal ay sa Agosto 27 (para sa mga klaseng ang iskedyul ay TTh) at Agosto 28 (para sa mga klaseng ang iskedyul ng klase ay MWF) sa SLC Social Center.
    6) Iminumungkahi na sa pagtatanghal ay gumamit ng angkop na costume at hangga’t maaari ay lagyan ng props ang set/entablado.

    Umaasa ako na naging malinaw sa inyong lahat ang nilalaman ng kalatas na ito.

    Sumasainyo,

    G. William P. Nucasa
    Guro, Wika at Panitikan
    Kolehiyo ng San Luis

  2. Guest6740
    sir anong e add moo?..
  3. Guest1495
    sir... anu nagi?? anu na ung blog spot nio sir???


    -johannes s. taclay..
Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 14 years, 5 month(s) ago.
This question has 3 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.