Question:

ano ang morpoponemiko

by Guest8064  |  12 years, 8 month(s) ago

0 LIKES UnLike

ano ang morpoponemiko

 Tags: ang, ano, morpoponemiko

   Report

1 ANSWERS

  1. Guest9683
    MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

    1.Pagkakaltas ng ponema o mga ponema

    2. Pagpapalit ng ponema

    3. Metatesis o pagpapalit ng pusisyon mga ponema

    Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

    1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang

    panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman

    kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

    Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k,

    m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - ) kapag

    ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.

    Halimbawa:

    Pang + lunas = panglunas - panlunas

    Pang = baon = pangbaon - pambaon

    Pang + kulay = pangkulay

    Pang + isahan = pang - isahan

    2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng

    salita

    Halimbawa:

    Sunod + in = sunodin - sundin

    Takip + an = takipan - takpan

    Dala + han = dalahan - dalhan

    3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng

    salita. Nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/

    ay nasa pagitan ng dalawang patinig.

    Halimbawa :

    Ma + dami = madami - marami

    Bakod + bakudan - bakuran

    4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.

    Halimbawa :

    Hinatay ka = Tayka - teka

    Tayo na = Tayna - tena, tana

    Wikain mo = Ikamo - kamo

    Wika ko = ikako - kako

Sign In or Sign Up now to answser this question!
You're reading: ano ang morpoponemiko

Question Stats

Latest activity: 14 years, 6 month(s) ago.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions