Question:

anu ba ang editoryal?

by Guest863  |  12 years, 8 month(s) ago

0 LIKES UnLike

anu ba ang editoryal?

 Tags:

   Report

2 ANSWERS

  1. Guest12
    Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagabbago.

  2. Guest8260
    Mahalaga ang editoryal sa alinmang pahayagan. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagabbago.
    Tatlong Bahagi ng Editoryal

    Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong bahagi:
    a.) Panimula. Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg. Maaaring gumamit ng alinman sa panimula:
    a. isang tanong b. isang salawikain c. pasalaysay na panimula d. tuwirang sabi
    b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan.
    c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng awtor.

    Mga Uri

    a.) Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya.
    b.) Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.
    c.) Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago.
    d.) Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.
    e.) Pagtutol. Dito ang awtor ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa.
    f.) Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan.
    g.) Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon.
Sign In or Sign Up now to answser this question!
You're reading: anu ba ang editoryal?

Question Stats

Latest activity: 13 years, 9 month(s) ago.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.