Dear Wish Ko Lang (By Maam Vicky Morales): ako si Nerissa De Ruyck, 35 taon gulang, naninirahan sa no. 2 Mazenod Street, cor 11th Avenue Caloocan City. at may anak sa pag kadalaga.
Ako po ay patuloy nanonood ng iyong programa sa Channel seven. sa aking panonood ay nakita ko na walang sawa kayo na tumutulong sa manga tao na nangangailangan ng tulong. Dahil sa labis kung pagdadalamhati ng pagkamatay ng aking anak ay nais ko rin humingi ng tulong sa innyo kung ito ay kalooban ng may likha. Noong August 8, 2010 ng biglaan atakihin ang aking anak sa kanyang karamdaman ng AVM hemo stroke,dinala po namin siya sa hospital pero sabi ng doctor ay hindi na po siya pweding operahan dahil wala ng gumagalaw sa kanyang katawan, pero dahil sa nais kung magbakasakali na maililigtas pa ito ng himala ay hiningi ko sa doktor na gawin nila ang lahat ng magagawa nila, pero dahil sa kalooban ng Dios na kunin na ang anak ko ay tinanggap ko ito ng maluwag at sa kabila ng sakit at hirap ng kalooban ko dahil sa labis kung pagkabigla, na bigla ako dahil sa edad niyang pitong taon gulang at masayahin at malambing ay biglaan siyang papanaw. Ito po ay nagdulot ng labis ng sakit saaking kalooban ni hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking sarili, pero dahil sa tulong ng iyong programa ay nagkaroon uli ako ng pag asa.
nais ko po hilingin ang tulong ninyo na mabigyan po ako ng magaling na abogado para mapawalang bisa po ang aking kasal. dahil sa nais ko po na maibigay ang magandang kinabukasan sa anak ko ay pumayag po ako magpakasal sa forenier na ipinakilala ng kaibigan ng kapatid ko. dahil sa kagustohan ko na lumaki siyang may maayos na buhay ay tinalikuran ko ang sarili kung kaligayahan. nakahanda na po ang lahat ng dumating iyong forenier dito noong July 23, 2010. at itinakda na namin ng August 15, 2010 ang aming kasal. Sa hindi namin na inaasahan na pangyayari ang lahat ay nagbago. Sa maikling panahon niya dito sa pilipinas ay nakilala ko ang pangit niyang ugali at iyon ang labis na kinasama ng loob ko ay lagi po siyang galit saakin at sa anak ko at labis nito na makasarili.. noong August 18, 2010 ay pinilit niya akong magpakasal sa kanya sa kabila ng magulo kung isip dahil sa pagkawala ng anak ko. naging sunod sunuran po ako sa hindi ko malaman na kadahilanan ay pumayag ako na magpakasal. Ikinasal kami ng walang seminar para sa kasal at ito ay maytao na tumulong para mapadali ang lahat kasi paalis na po siya ay nagbayad siya. August 21, 2010 ay bumalik po siya sa Belgium at mula ng mag send siya ng pagpapaalam dahil ayaw na niya sa akin sa e-mail ay wala na po akong natanggap na balita sa kanya. niluko po ako.
Nais ko po ay dingin ninyo ang aking hiling na mabigyan po ako ng lawyer. para po mabigyan ako ng pagkakataon na maiayos ang buhay ko. Alam ko po na malaki ang naging kasalanan ko dahil sa pagpayag na makasal sa kanya pero ginawa ko po ito ay dahil sa pag aakala ko na maibibigay ko ang magandang buhay sa anak ko kung nasa Belgium po kami. Lubos po akong naniniwala na matutulongan ninyo ako sa problema kung ito. Ngayon po ay nag aaral ako ng FBS sa TESDA project ni Vice Mayor Joy Belmonte dito po saaming barangay.
Maraming Salamat po sa lahat na bumubuo ng Wish ko lang!
Report (1) (1) |
12 years, 3 month(s) ago