2 LIKES LikeUnLike
dear ms.vicky morales alal q po na wlang mpsible sa programa po ninyo.sobrang dami na po ng tinulungan ninyo.isa na po aq na like q po matulungan ang aking mga magulang mabigyan din po ng kabuhayan.bicol po kame pero frm now d2 po aq batangas ksama asawat anak q.awa po aq sa knila wala rin po aq maitutulong kz po nakatira lang po kme sa kptd ng asawa q.
Tags: ko, Lang, Message, Morales, ms.vicky, wish, write
Dear wish ko lang,
Bago po ang lahat ay binabati ko po kayo sa inyong magandang programa, sana y marami pa po kayong matulungan.
ako po si jezalyn magallanes nakatira sa St. Francis 1 Limay Bataan, humihiling na sana ay matulungan niyo ang aking lola na si LUCRECIA CIRCE, nakatira sa Urdaneta lavezares Northern Samar. sa edad po niyang 73 ay puro hirap na po ang kanyang naranasan. Nagkaroon sila ng limang anak subalit iniwan po siya ng aking lolo. siya ang nagbuhay sa aking mama at ang kanyang mga kapatid. sobrang bait po sa akin ng lola ko lahat na po yata ng hirap ay naranasan niya kaya gusto ko po siyang matulungan sa pamamagitan ng inyong programa..tatanawin ko pong isang napakalaking utang na loob kung ang aking liham ang inyong mapipili. kinukwento po ng mama ko na ang kinakain nila araw araw ay kamoteng kahoy, mais at minsan pa nga po ay katawan ng puno ng saging. wala po siyang hanap buhay, ang pinagkakakitaan niya lang para mabuhay ay pagbebenta ng kahoy panggatong. ang aking mga titot tita ay hanggang gradeschool lang ang natapos kaya wala rin mga hanap buhay para matulungan ang lola ko. ito po ay napaka laking kaligayahan sa lola ko kung ang sulat ko po ay inyong mapili. maraming maraming salamat po.
ang aking e-adress po ay jezalyn_06@yahoo.com at ang number ko po ay 09182546248.
maraming maraming salamat po at more power..
jezalyn
Report (0) (0) | 12 years, 9 month(s) ago
dearwish ko lang , nawa po tulungan po ninyo ang magpamilya ito.dahil po sa inggit gusto po nila talaga mawala sa kanila ang bahay nila ngayon.nawa po matulungan nyo anim po ang anak nila.bale maykambal po sila babae at lalake.naging samaritana rin po ang nanay nila, halos ngayon po wala na sila makain.lahat po natulungan nya ay naglaho halos dinapinapansin ang atraso sa magulang nang ga bata.bale po baka po itong darating na pasko wala na silang bahay.pati po negosyo nila ay nadamay sa kagaga wan nga mga taong naiinggit sa magulang nila.sana po matulungan nyo po sila.may the lord bless u all.tnx and more power.heto po ang address 6167tramo wakas st san dionisio paranaque city.
melanie pelobello
Hello po ms.vicky morales,ako po pala c jean taga davao,lagi akong nanonood ng inyong show nakakatuwa po na marami kayong natutulungan na mahihirap,sinubukan kona pong sumulat sa inyo maraming beses pero parang nag aalangan ako,niisip ko mas marami pang mas nangangailangan ng tulong nyo baka hindi ako karapat dapat,kaya hindi kona lang po tinuloy na ihulog ang sulat. Pero ngayon po kung bibigyan nyo ako ng pagkakataon susubukan ko pong humingi ng tulong sa inyo kung itoy inyong ipag kaloob sa akin,maraming salamat po sa inyo.Lumaki po akong walang ama ina kolang po ang bumuhay sa aming magkakapatid,anim po kami at ako ang bunso, may pamilya po kasi ang papa ko, naramdaman ko po ang hirap ng aking ina na walang tulong na ibinibigay ang aming ama,hangang sa ngayon po na may mga asawa na kaming magkakapatid alam kong nais po nya na nasa ayos po kaming magkakapatid. matanda napo c mama 68 years old birthday po nya ngayong jan,31 matanda na po sya at may mga karamdaman napo,mahal na mahal kopo ang mama ko higit pa sa buhay ko gusto ko po na maging masaya sya lagi,andyan po sila sa maynila nakatira ngayon sa mga kapatid ko ako lang po ang nasa davao mas naaalagaan nila si mama at naibibigay ang pangangailangan niya, naintindihan kopo at saka po mahirap lang din ako may 3 na po akong anak dito kami sa davao, sana po maging masaya sya sa kanyang kaarawan. hihilingin kopo sa inyo sa ngayon may mga gamot po syang mini maintain at regular check-up po sya sana mabigyan nyo po sya nang tulong para hindi po mahirapan ang ate ko na nasa japan nagtatrabaho,sya po ang tumutulong sa mama ko, marami pong salamat sa inyo.
Una sa lahat binabati ko po kayo ng magandang araw sanay matulongan nyo po ako sa aking kahilingan.
Ako nga po pala si crystali fabela from marikina city. Hinihiling ko pong matulungan ang aking mga kaptid. 7 po kaming magkakapatid dalawa po sa kanila ay may kapansanan. Yong isa po ay di makalakad mula po baby pa siya. yong isa naman po hindi masyadong nakakapagsalita hindi ko alam kong anung tamang explanation sa mga karamdaman nila. sumulat po ako sa inyo para humingi ng tulong dahil ramdam kong nahirapan na ang aking mga magulang sa pag-aalaga sa kanila may idad narin ang papa at yong mama ko malalaki na kasi yong dalawang kapatid ko kaya mahirap para sa kanila. Gusto ko po na patingnan sa doktor or ipagamot pero wala rin kaming mapakukunan ng panggastos sa pagpagamot. Ang kinikita naming pera ay sapat lang sa pangaraw_araw na pangangailngan. Gusto ko sana mabigyan ng wheel chair yong kapatid kong hindi makalakad at mapagamot silang dalawa.Nasa province po sila nanamasukan po kc ako dito bilang isang kasambahay para mtulongan ko ang aking mga magulang sa pangangailangan nila.Sana po matulongan niyo ako wala na po akong ibang paraan na matulongan sila kaya nisip kong sumulat sa inyo.
crystali_fabela@yahoo.com at ang aking number ay 09292879994.
maraming salamat po... more power to your program..
CRYSTALI.............
Dear wish ko lang, magandang umaga po sa inyo. bago po ang lahat ako ay magpakilala sa inyo .ako po si Nisan B. Gadista ay nakatira sa Napindan Taguig City. sumulat po ako sa inyong programang wish ko lang dahil nais ko sanang matulungan ng aking anak na si Kian Carl Gadista .siya ay tatlong taong gulang .dahil po sa kanyang kapansanan siya po ay pepe at bengi .bilang magulang ako po ay naawa sa kanya sa tuwing nakikita ko siya nakipaglaro at nakipagkuwetuhan sa mga kalaro kaya po ako ay nagsusumite ng sumulat sa wish ko lang. dahil sa aming kahirapan gusto po sana namin mapahearing test para malaman po kong ano ang problema.sana po matutulungan ninyo ang aking anak. at maraming salamat po sa inyong pagbasa. Humihingi ng tulong, Nisan B. Gadista
Dear wish ko lang, Magandang hapon po sa inyo.ako po si Maria.Ninfa A.Besa 19 yrs.old taga alabama st.southville city of binan laguna town and country unang-una po sa lahat nais ko pong humingi ng kuinting tulong po sa inyo.para sa akin kaarawan.ang kahilingan ko po para sa akin kaarawan ay nais ko po sana makumpleto ang pamilya ko sa aking kaarawan at.nais ko rin po magkaroon ng kaunting saluhan.at kasama po ilan sa akin mga kaibigan na hindi ako iniwanan.at sana po makapag-pabunot po at gusto ko rin po mag-papustiso.bago po sana ako mag-birthday.Mam.vicky sana po maitindihan nyo po yung kahilingan ko po.kung baga po hindi lang po para sa akin to kun di para po sa pamilya ko rin po ito at gusto ko po malaman kung ano po yung sakit ko po dahil nag-karoon po ako ng bukol sa kili-kili at pag-katapos po ngayon yung suso ko po yung nakirot sa akin po.kaya po ako ay nangangamba na poako sa akin kalagayan.naawa na nga po ako sa akin mama dahil po bili po sya ng bili ng mga antibaotic.kung tutuusin lang po nauubos na po yung kinikita nya dahil kakabili nya ng gamot .para lang po sa akin.kaya po nag-papasalamat din po ako dahil inaalala nya ang kalagayan ko po.gusto ko po malaman kung cancer po ito kaya lang po wala po kaming perang pang-pacheck up dahil gusto ko po malaman yung sakit ko.at meron po talagang mga taong grabe po manglait.kirat po kasi ako pero tanggap ko yon dahil nasanay no po ako nakalakihan ko po yung panglalait nila sa akin. Mam.vicky at wishkolang sana po matupad po yung pangarap ko na sana po makasama ko yung pamilya ko sa sandaling panahon o oras nanatitira.GMA7 taos puso po ako nag-papasalamat naw'ay matulungan nyo po ako.at ang mga taong ngangailan ng tulong din po. . Ma.Ninfa A.Besa nagmamahal ng lubos
magandang araw po sa inyo!gusto ko lang po sanang tulungan ang pinsan ko na si baby joy sa kanyang kalagayan.siya po ay may sakit na miningitis at epeliptic rin po sya.6 years old na po sya ngayon. at hindi parin sya nakakapagsalita at nakakapag-lakad.Gaya rin po sya ng kanyang nakababatang kapatid na may epelipsy.wala po kasing trabaho ang kanyang mga magulang kaya hindi po sila kayang ipagamot.Kaya po ako sumulat sa inyo dahilan sa gusto ko silang tulungan.sana po ay matulungan nyo sila.lubos po akong nagpapasalamat.nakatira po sila sa #119 prk 2,Lambac Gua-gua Pampanga.
maraming salamat po,
Alyssa marie sunga
Ako po si Marvic flores Aviles 23 years old na nakatira po sa malibay pasay city.. Sumulat po ako sa sainyo upang ilapit ang aking kahilingan para sa aking ama na ngyon po ay nakaratay sa kanyang karamdaman .Siya po ay nasa (PGH) po ngayon at nagyon po ay nagmamakaawa na kami po ay tulungan sa financial at matagalan gamutan sapagkat siya po ay may CANCER sa LUNGS at may nakita pong BUKOL sa kanyang utak Stage 4 na po siya ngyon po ay patuloy pong lumalaban sa kanyang karamdamn di ko na po alam kung ano ang gagawin ko po.... di po namin kaya ang mga gastusin at mga gamot po niya dahil po sa amin kahirapan sobrng nahihirapan na po siya kaya po ngayon nagbabakasakali po kami na mabasa niyo at mabigyan ang kahilingan nang aking ama bukas po sasapit ang kanyang kaarawan (Feb 14 2011) ika 61 na anyos na po siya na ang tanging kahilingan sa kaarawan bukas ay meron magandang kalooban na tumulong po sa kanya at tuluyang po magawang nang paraan ang kanyng karamdaman ... kinakailngan po siyang i chemotheraphy dahil sa cancer na patuloy na kumakalat sa katawn niya .. ngayon po naka admit po siya sa (PGH) .Siya po ay si Valentino Cayetano Aviles Sr. 60 years old na naninirahan sa malibay pasay city ... Ako po ay nanawagan sa lahat nang taong may mabuting puso na sana po ay mabasa po ang liham ko po para sa aking ama na nakaratay po ngyn at patuloy na umaasa sa tulong na galing po sa inyo.. kami po ay nakatira sa 544 ruby st. maricaban malibay pasay city eto po ang cel number ko po 09482126593 lubos na umaasa at gumagalng sana po mapagbgyan nyo po kami critical stage na po siya ngyon nagmamakaawa po ako sa inyo na tulungan po niyo kami salamat po
Una po sa lahat magandand araw po sa inyo at sa lahat ng bumuo ng wish ko lang Ako ay si Dina tenio ako po ay isang ina sa nag iisa kung anak na sa pangalan na Nove jean Tenio siya po ay 6 na taon na at nag-aral ng prep. sumulat po ako sa inyo at nag bakasakali na inyo mabigyan na kunting panahon ang sulat ko mahirap lng po kami kaya umaasa po ako na mabigyan nyo po ang kahilingan ng anak ko na makita ang idol nyang si Jellian. Ang cute na si jellian na nag bida ng namamasko po at yung my VALENTINE'S GIRL sana po mapagbigyan nyo po ang kanyang munting kahilingan mahirap lang po kmi at nangupahan at ang asawa ko ay janitor lang po kaya wala po akong magawa para mapagbigyan po ninyo siya kaya sumulat na lang po ako sa inyo alam ko po na marami na kayong natulongan at umaasa po kami na isa po kaming mapagbiyan at hanggang dito na lang po maraming maraming salamat po GOD BLESS AND MORE POWER.... email add. geraldine.tenio@yahoo.com
Dina Tenio
dear wish ko lang
ako po si athena lois driz nakatira sa #22 decastro avenue pasig city. 20 yrs old. gusto ko po sanang tulungan ang aking pinsan na may sakit. nakahiga lamng po sya at di na nagsasalita. nakatira po sya sa bagong silang caloocan city sa munting nayon phase 3 pkg. 3 lot 5 blk. 80 sya po ay si luela marie abrazado 15 yrs old sana po'y matulungan nyo sya ang email address ko po ay athenzd@yahoo.com sana po ay mapili nyo ang sulat o maraming salamat po! more power po!
love athena lois abrazado
gandang hapon po sa lahat nang taga subaybay nang wish kulang una po sa lahat ikaw po ms vicky ako po si jalil caris nakatira sa binangonan rizal mh del pilar gusto kupo tulongan ung lulo ko na may sakit sa mata hindi po siya makakita kaso po wla kming pang pagamot kaya sainyo ako kukuha nang tulong,,, sana po matulongan niyo po kami at bago po siya mawala samin mapagamot muna namin siya at kung gusto ninyo makuntak ako ito po ung # 09993637447 tnx po at magandang hapon,,, jalil caris, sana po makarating sainyo ung sulat ko,,,,
Dear wish ko lang ,
Una po sa lahat binabati ko po ang inyong programa sana po marami ppa po kayong matulungan.
ako po si Micque Chaelline Vargas nakatira sa 55 S. Francisco St. Sanbarlome Novaliches Quezon City . Ako po ay humihingi nang tulong sa inyo para po sa aking lolo na may karamdaman. Sya po ay kasalukuyang may diabetes at nagkaroon na po ng komplikasyon sa kidney meron na rin po syang manas. Wala naman pong trabaho ang kanyang mga anak si lolo lang po ang naghahanap buhay nung wala pa syang karamdaman,sya po ay dating namamasada nang trycycl at wl nmn pong ibang pinagkakakitaan,hirap na po sya sa kanyang karamdaman,kaya gusto ko po sana syang matulungan sa pamamagitan nang inyong programa dahil alam ko po na marami kayong natutulungan,sana po matulunagan nyo po ang lolo ko sya sa mga gamot na kanyang iinumin.
lubos po akong nagpapasalmat sa inyo . tatanawin ko po ito na isang napakalaking utang na loob. more power po sa inyong programa .
lubos na gumagalang,
micque --
dear wish ko lng:
nais ko sana ifollow up ung request letter ko last year p n sna matulungan ninyo ang auntie ko s pngkabuhayan nla at sna matulungan nyo ang apo nya na isang bingi at pipi.sila po ay nkatira s bani,pangasinan.
un lng po,thanks to wish ko lng,hope my wish was granted,umaasa po ako n mbgyan nyo ng pansin ang requst ko.maraming salamat po
Dear wish ko lang ako po si botsky na bumabati po sa inyo ng isang magandang araw at sa maganda niyong programa na maraming natutulungan ako po ay isa sa mga taong lumalapit at hunmihingi po sa inyo ng kaunting tulong para po sa batang aking kalapit bahay.. naantig po kasi ang aking kalooban sa tuwing nadadaan ako sa kanilang bahay at nakikita siyang palaging nasa loob ng bahay sa kadahilanang siya po ay may malubhang karamdaman... siya po ay sampung taong gulang na,, may mga kaunting tumutulong po sa kanya pero iyon po ay hindi sapat, kaya naisipan ko po na lumapit sa inyo na nagbabaka sakali na inyong matutugunan ng konting tulong para malunasan ang karamdaman ng batang aking kalapit bahay,.bukod sa may malubha po siyang karamdaman siya ay isa na ring lumpo. kaya ganun na lamang ang awang aking nararamdaman pag nakikita ko ang batang ito nais ko po sanang humiling ng isang wheel chair, ng sa ganun ay may pang suporta siya sa kanyang sarili...siya po ay nakatira sa 159 Narra Street, Rainbow Village5 Bagumbong Caloocan City npc lubos po akong nagpapasalamat sa inyo sa patuloy po ninyong pagtulong sa ating mga kababayanan naway inyo rin pong matugunan ang aking kaunting kahilingan sa batang aking kalapit bahay,,, maraming salamat po...
Una po sa lahat malugud po akong bumabati sainyo ng magandang hapon,.Ako po si kris anne gludo labing walong taong gulang,nakatira sa #93 kalamansi st.luzon ave. brg pasong tamo quezon city.kaya po ako sumalat sa inyo upang humingi po na unting tulong sa inyong programa.ngunit hindi po para sakin ang aking hihilingin,ito po ay pra sa aming borders,sa kadahilanan ang kanila pong bunsong anak ay lagi pong knukumbulsyon ito pong mga nkaraang araw,gusto ko po silang tulungan ngunit wala naman po akong trabaho,pera pra po makatulung sa kanila.Naaawa po ako dahil ang kanya pong nanay ay katatapos lang pong upirahan,sa kadahilanang ang dugo po sa kanyang tyan ay nabulok na po.Ngayon po ay nasa childrens hospital po sila pina admit nila ang bata doon upang maiwasan po ang laging pangungumbolsyon ng bata,ngunit ito pong mga nakaraan araw ay,hindi n po namin nalalaman ang kalagayan ng bata doon,ang sbi po ng doctor ay kaylanggan daw pong operahan ang bata sa baga sa kadahilanang ito daw po ay may tubig sa baga.Ngunit ilang araw na po ang nagdadaan ay hindi pa rin po nauuperahan ang bata,sa kadahilanang sila po ay kapos sa pera.Nag mamakaawa po ako sainyo sana po ay mabasa nyo po ito,at ng mabigyang lunas kaagad ang bata,yun lang naman po ang tanging ko hiling ang matulungan ko po sila,hindi po ako hihiling ng para sakin,sana po ay matulungan, at maintindihan ninyo ang aming kinalalagyan,maraming salamat po sa inyo.
Lubos na gumagalang:
Kri anne A.Gludo
09185141723
DEAR WISH KOLANG . AKO PO SI MAREFI ABUNALES ANG NILALAPIT KO PO SA WISH KOLANG ANG KAPATED KO NA MAY SAKIT NA DAIBETIC SIYAM PO KAMING MAGKAKAPATED. AKO PO ANG PANG APAT. ANG PANGANAY PO SIYA SAKIN .GANITO PO YON .LUMAPIT PO AKO SA WISH KO LANG NAGBABAKASAKALI PO AKO NA SANA PO .MATULONGAN NIYO PO AKO SA KAHILINGAN PARA PO SA KAPATED KO.NAKA KA ADMIT PO SIYA NGAYON SA HOSPITAL SA BRMC . ANG PANGALAN PO NG KAPATED KO SI MARLYN ABUNALES.MERON PO SIYANG SUGAT SA PAA.NAMAMAGA PO KASI PO HINDE NAMIN NABIBILI AGAD ANG GAMOT NIYA KASI ANG TRABAHO LANG PO NG ASAWA NIYA EH TRICLE DRIVER HINDE PA PO SAPAT ANG KINIKITA NIYA KO LANG PA PO PARA SA GAMOT NIYA AKO NAMAN PO ANG TUMUTULONG NAMAN SA ABOT NG MAKAKAYA KO PINAGDADASAL SA ANGINOON NA SANA TULONGAN PO SIYA SA KANYANG KARAMDAMAN PAGALINGIN PO SIYA.YAN PO ANG MALAKING MAITUTULONG KO PO SA KANYA.KAYA LANG PO PARTE NAMN SA MGA GAMOT NIYA HINDE KO REN NABIBILI LAHAT KASI KAPOS DIN KAMI SA PERA ANG AMING HANAPBUHAY AY PAGBUBULKIT LNA PO KINUKULANG PO KAMI KASI PO YON IBANG KAPATED KO WALA RENG HANAP BUHAY ANG TATAY KO PO AY NAMIMINGWIT LANG PO HINDI SAPAT ANG KINIKITA NIYA SA ISANG ARAW.AKO KONG SAAN SAAN NALANG AKO LUMALAPIT.ITO ANG NAISIPAN KO NA LUMAPIT SA WISH KO LANG NAGBABASAKALI SANA NARENEG PO NG IYONG PUSO ANG AKING KAHILINGAN NA NASA HOSPITAL NGAYON.NASA TACLOBAN SIYA ANG KANILA PO TIRAHAN AY NASA GIPORLOEASTERN SAMAR AKO NAMAN PO AY NAKAPAGASAWA NG TAGA TACLOBAN KAYA NANDITO PO KAMI SA TACLOBAN NANINIRAHAN. SUMULAT PO AKO SA WISH KOLANG KASI PO MARAMI NA PO KAYONG NATULONGAN SA TULADKONG MAHIRAP AT NANGANGAILANGAN NG TULONG LAGI PO AKO NANOOD SA PROGRAMA NIYO SA WISH KOLANG .LAGE PO AKONG NAKAKATUTOK SA GMA ITO PO ANG AMING ADRESS .BRNGY.25 PATERNO. EXT. TACLOBAN CITY MARAMING SALAMAT PO SA NA PO MAPAGBIGYAN NIYO PO SANA KAMI SA LALONG MADALING PANAHON PASENSYA NA PO KONG MAHABA ANG SULAT KO HINDI PO AKO NAGPASULAT LANG PO AKO SA PAMANGKIN KO.MAGANDANG GABE PO SA INYONG LAHAT SA WISH KO LANG. GOD BLESS YOU.
Dear Wish Ko Lang,
Ako po si Fely Fortuna, 57 yrs old, nakatira sa Mesa Homes, Brgy. Don Jose Sta. Rosa Laguna. Isa po ako sa libo libong tagahanga ng inyong programa. At nagbasakali po ako na humingi ng tulong sa inyo. Ako po ay may apat na anak, dalawang lalake at dalawang babae. Mga bata pa po sila nung silay maulila ng kanilang ama. At sa kasalukuyan po silang lahat ay may sariling pamilya na. Gusto ko po sanang hilingin na makita ang aking nagiisang apo sa aking panganay na anak. Siya po ay si John Paul Fortuna, 8yrs old, halos tatlong taon na po na di namin siya nakikita. Dahil iniwan ng aking manugang ang aking panganay na anak at dinala ang aking apo sa Brgy Madalag, Kalibu, Aklan. Simula ng umalis ang aking manugang at apo, hanggang ngayon ang aking panganay na anak ay may karamdaman. Payat na payat na po siya at halos walang gana kumain sa kakaisip sa kanyang anak. Wala po akong magawa para mapuntahan siya dahil kulang sa pinansyal. Hiling ko po na sana ngayong bakasyon ay magkita silang mag ama. Dahil matagal ng inaasam asam ng aking anak na magkita silang muli. Ako po ay naniniwalang hanggat may buhay may pag asa, kaya umaasa po ako na matupad ang aking kahilingan. Maraming salamat...
umaasa,
fely fortuna
Latest activity: 13 years ago. This question has 19 answers.