Question:

i want to send my letter to wish ko lang gma 7

by Guest6713  |  12 years, 9 month(s) ago

9 LIKES UnLike

Dear Ms. Vicky Morales;

Magandang Hapon poh sa inyo at s mga staff ng wish ko lang, Ako poh si Meliza Mendoza ng Brgy. Don Luis, San Jose, Batangas 22 years old dumudulog poh ako sa inyong show na sana poh ay matulungan nyo poh kami na maipagamot ang aking ina. Di poh namin siya maipacheck up kung ano poh ung mga tumutubo sa lahat ng parte ng katawan nya sa kadahilanang wala kaming sapat na pera. Nagnanaknak po ang buo nyang katawan, ang ama ko naman poh ay isang hamak na magsasaka lamang at ako naman poh ay my trabaho ngunit sapat lamang pangbili ng mga gamot nila at madalas pa walang pasok sa trabaho..........

Sana poh ay matulungan nyo kami na maipagamot ang aking ina.Maraming maraming salamat poh.

Lubos na gumagalang;

Meliza Duma Mendoza
Aizamendoza88@yahoo.com
Brgy. Don Luis, San Jose, Batangas

 Tags: gma, ko, Lang, Letter, send, wish

   Report

11 ANSWERS

  1. Guest10
    Dear wish ko lng,
    ako po si juvelyn lambarte ng mambusao,Capiz.Visayas province po.Humihingi po sana ako ng tulong tungkol po ito sa lupa na tinitirhan at sinasakahan ng magulang ko,almost 45 years na po kmi don nanilbihan s may ari ng lupa.Ngayon po gusto po nilang ibenta almost 3 hectares po ang lupa nila,binibinta po nila worth 1 million sa amin,kung di po kmi mkabili,ibenta po nila sa iba,ngayon my kasulatan n pinirmahan ang magulang ko,pinatawag po sila dalawang pamilya kc ang nagsasaka sa lupa nila,kmi po ang masmalaki n sinsakahan,nklagay po s kasulatan,pag di nmin mabili ang lupa pwede nila ibenta s iba..at ilipat po ang bahay nmin,prang sino man mkabili paalisin po kmi don sa bahay namin,ngayon po wala nman po kami spat n pera para mabili iyong lupa,ngayon po my nakabili po,gusto po kami palisin s bahay namin,di nman po ako papayag kasi simula maliit po ako don napo nakalakihan ko,gusto kaya nga po ako nag abroad pra mabili ang lupa,ngayon po gusto ko n po bilhin ayaw na po ibigay ng taong bumili,pilit nya po kami n palisin...ma'am ngayon po humingi po kmi ng tulong sa agrarian reform,pero sbi eh.ok lng daw kc mabait nman daw ang bumili ng lupa..masakit po sakin kasi napamahal npo skin ang lugar at nanghihinyang po ako.ma'am tulungan nyo ako paano masulusyonan ang problemang ito.Hanggang ngayon po di pa tapos ang kaso sa baranggay,wla pa kasi maipakita ang bumili ng lupa ng Dead of sale at iba pang ducoments.ako po ang pang pitong anak 28yrs old single pa po,kaya po babalik abroad po ako ulit para madagdagan ang ipon ko..pangarap ko po mapaligaya ang nanay ko mabigyan manlang ng ginhawang buhay.hinihintay po namin ang sagot ng head ng AGRARIAN REFORM KUNG ANU PO ANG DAPAT AT KARAPATAN NAMIN BILANG MAGSASAKA.Ma'am sana mabigayan mo po ako ng sapat na payo o paraan para matapos n po ito,aalis na po kasi ako this augost punta ng ibang bansa pero magulo parin ang isip ko.
    Ma'am sana matanggap ko po ang sagot mo.
    Maraming salamat po

    Ang nagmamahal
    JUVELYNLAMBARTE
    Mambusao,Capiz
    Mobile no.09283189453

  2. Guest4451
    dear miss vicky morales,
    nais po nming magpatulung isang pinsang nagmamalasakit,taga pampanga po kmi may isang pamilya pong 3 ang baliw hindi napo nmin kya ang ginagawa ng isa kasi po naghuhubad na po cia sa maraming tao, nahihiya na po kmi sa ginagawa nya masyado npong naapekto yung pamilya nmin,ble puru babae po cila dalawang magkapatid na babae tapos yung nanay po nila na paralize papo at mdyu naciciraan na din po sna po mabigyan nyo nang pancin ang aming kahilingan malaking pasalamat po nmin sa inyo ako po si lerma sobrevilla 37 yrs old nkatira sa 347 maligaya street, san juan, mexico pampanga MARAMING SALAMAT PO.
  3. Guest5270
    Dearest Wish Ko Lang,

       Ako po si Marinette Joy B. Dela Cruz nakatira sa Dasmarinas Cavite,ako po ay nagbabakasakali na humingi po nang kahit kaunting tulong po.para po sa aking ama na si Danilo Dela Cruz siya po ay hindi ko kasama sa aking pagkabata hanggang sa aking pagtanda.dahil po sa dahilang kami po ay broken family pero kahit po ganun ay mahal na mahal ko po siya at wla akong galit sa puso ko.binibisita lang po namin siya ng kapatid ko para dalawin at bigyan ng kaunting tulong dahil siya po ay walang tinitirahan natutulog lang po siya sa side car na siyang hanapbuhay sa umaga at nagsisilbing tulugan nya sa gabi awang awa po ako sa kanya ngunit wla po akong magawa dahil umaasa lang din po ako sa aking tiyahin na ngpapaaral sa akin sa kolehiyo gustong gusto ko po siyang tulungan ngunit wala po akong magawa kayat naisipan ko po mag send ng mensahe sa inyo kahit kaunting tulong lang po para sa aking ama. sana po ay matugunan nyo ito. isang napaka laking utang na loob ko po sa inyo ang tatanawin ko. at kung sakali po na ako ay palarin pinapangako ko po na ako naman ang tutulong sa iba kahit sa maliit na bagay.





    Umaasa at Nagpapasalamat,
    MARINETTE JOY B. DELA CRUZ
    DASMARINAS CAVITE.
    MOBILE NUM.
    09393411710
  4. Guest2261
    August 28,2010
                                              Zone 10,Cugman Cagayan de Oro City
                                9000,Region X(Misamis Oriental-Northern Mindanao)
                                              
    Dear Ma'am Vicky,
             Good day po sa inyo nais ko po sanang magpatulong na hanapin ang ama at kapatid ng aking asawa ko. Ganun pa man, matagal na sila di nagkita mahigit kumulang na sa 38 years na po ngayon.Gusto po kasi ng asawa ko na lubos nyang makilala at makita man lang lalo na mayakap na rin ang kanyang minamahal sa buhay bago siya tumanda.Sana mapaunlakan nyo po ang  aking wish na matagal ko nang pinangarap at minimithi lalo na sa asawa ko na umaasa na makita muli ang kanyang ama at kapatid na lalaki kasi 5 years old  pa kasi ang asawa ko noon nang silay nagkahiwalay sa isat-isa.
    At dahil busy po ako sa work ko pwede nyo po akung tawagan sa numero 09185196613 baka hindi ko ma follow up ang reply nyo. Thanks, pagpalain sana kayo ng DIYOS....

    MARAMING SALAMAT PO............
                                               Gumagalang,
                                            Jacqueline Lachica
  5. Guest5395
    ako si :Maria Fatima Anoba Lascuña age:9 yrs old  saan nakatira:sa Pusok Sta.Maria LApu-Lapu, City...Magandang hapon po, sa Wish Ko Lang. Gusto ko po lang po na humingi ng tulong para sa aming pang-kain,school supplies at sa mga damit at pang bayad sa kuryente. dahil po yung lola ko ay may diabetes at siya lang po ang nagpapakain sa amin at yung mama ko po ay walang trabaho at yung tatay ko po ay hindi na namin alam kung nasan po siya... maraming salama ...:) sana matulungan ninyo po ako..
  6. Guest8495

     dear wish ko lang,


    nais ko po sanang tulungan niyo ang kaibigan kung matanda na...may kapansanan po sya putol po ang kanyang dalawang kamay.........isa lang po akong grade v student na naawa sa kanya kami po ng kaklase ko...inaasahan ko po ang inyong tulong maraming salamat po....

  7. Guest6837

    Nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo para po sa pinsan kong may cancer. Pinutulan na po siya ng isang paa ngunit kahit ganoon ay patuloy parin pong kumakalat ang cancer cells niya sa katawan. Wala napo kaming sapat na panggastos upang patuloy siyang maipagamot at madugtungan pa ang kanyang buhay. Mahirap lamang ang pamilya naming at malaki na ang bayarin naming sa ospital. Nalapitan napo namin ang lahat ng pwede po naming lapitan sa aming probinsya ngunit hindi parin ito sapat. Cancer po ang sakit niya ngunit ordinaryong gamot lamang ang ipinaiinom sa kanya dahil nga wala na kaming sapat na perang pambili. Wala ring sapat na kagamitan ang ospital na pinagdalhan sa kanya upang bumuti ang kanyang kalagayan. Patuloy parin ang paghihirap niya at ng kanyang pamilya. Sana po ay mabasa niyo ang sulat na to at kontakin ang numero ng aking pinsan na si Belinda Caguin, 09155284675. Siya ngayon ay nasa ospital ng san marcos, cordon isabela. Sana po ay matulungan niyo kami. Marami pong salamat.

  8. Guest213

    Dear wish ko lang,


    Isang mapagpalang araw sa inyo sampu ng inyong buong kasamahan sa inyong programa..


    ako po ay isa sa inyong tagapanood tuwing sabado sa inyong programa at ako ay nagagalak at mayroong isang katulad ninyo na talagang walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan na walang pinipili.sana lalo pa kayong pagpalain ng ating Poong Maykapal upang mas marami pa kayong matulungan. Nawa lagi kayong malusog at ligtas sa anumang karamdaman.


    Sumulat po ako sa inyo dahil gusto ko pong idulog ang isa sa kasamahan namin sa trabaho. Una sa lahat kami po ay nagtatrabaho sa isang Non Goverment Organization na kung saan ay nagbibigay kami ng maliit na puhunan sa mga pinakamahihirap dito sa ating bansa. Bagamat kami ay mayroong sweldo, hindi po ito sapat sa mga pangngailangan namin. Isa rito si sir Eugene Diares, siya ay 12 yrs. ng empleyado sa aming institusyong Ahon Sa Hirap, Inc. Siya po ay may dalawang anak na sa kasalukuyan ay nag-aaral sa elementarya.Siya po ay pumasok na malusog at walang karamdaman sa aming trabaho. Subalit sa paglipas ng panahon, sa kanyang pagtatrabaho ay tila unti-unting nauupos ang kanyang lakas at katawan dahil sa "sakit sa bato" at noong isang taon ay tinanggalan siya ng kanyang "dalawang kidney" na naging dahilan ng kanyang mabilis na pagpayat..Subalit dahil sa katapatan niya at kagustuhan niyang makatulong, hanggang ngayon ay pinipilit niyang pumasok upang kahit papanu ay maibigay niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Siya po ay dalawang beses siyang i-dialysis sa loob ng isang linggo. gusto po sana naming kahit papaano'y madugtungan pa ang kanyang buhay, gumawa na kami ng paraan para kahit papanu ay makatulong kami sa kanya subalit hindi parin ito sapat..kaya ako po ay dumulog sa inyong tanggapan na nagbabakasakaling kami ay inyo pong matulungan. Anu mang tulong ang inyo pong ipagkakaloob ay tatanawin namin itong isang malaking utang na loob at magiging bahagi po kayo sa patuloy na pagharap sa hamon ng buhay ng aming kasamahn..Kung sakali po na ang liham na ito ay inyo pong bigyang pansin, maari po ninyo kaming tawagan sa CP# 09081788596. O puntahan ang aming munting opisina dito sa #54 Rainbow Ave, Pacita II Brgy. San Vicente San Pedro Laguna mula Lunes hanggang Biyernes..


    Maraming salamat po at Pagpalain po kayo ng ating Poong Maykapal..

  9. Guest8139

    DEAR PO ATE VICKY MORALES ,AT SA MGA TAGAPANOOD NG WISH KO  LANG, AKO PO AY TAGA SUBAYBAY PO NG INYONG PROGRAMA NA WISH KO LANG NAIS KO PO SANA MATULUNGAN NYO PO AKO ,AKO PO AY SI AMOR AT MAY ASAWA AT ANAK NAIS KO PO HUMINGI NG TULONG SA INYO DAHIL PO MAY GOITER AKO AT WALA PONG PAMPAGAMOT DAHIL WALA PONG TRABAHO ANG AKING ASAWA SANA PO AY MATULUNGAN NYO PO AKO, AKO PO AY TGA PINAGBUKLOD CAMARIN CALOOCAN CITY,                           

  10. Guest5323

    dear ms.VICKY MORALES,,,ako po si jeanivie algura ako po ay sumulat sainyo at humihingi ng inyong tulong hnd po e2 para sakin e2 po ay para sa hipag ko na taga cebu ang pangalan nya po ay jocelyn campus  mula po kc napangasawa sya ng kapatid ko hnd na po sya nkauwe sa probinsya nila dahil na din po sa mahal ng pamasahe dahil po sa layo ng kanilang lugar sa ngaun po kc sa bicol na sya nkatira halos 20yrs na po sya hnd nkakauwe 8 po ang anak ng hipag ko at wala po trabaho ang kapatid ko sa ngaun minsan po extra sya sa construction..ang panganay na anak po nila ay 12yrs old at lima po ang nag aaral kaya hnd nya talaga magawang makauwe ang wish ko po sana kung sakali po gusto ko po sana bago mag birthday ang hipag ko ay magkita cla ng nag iisa nyang kapatid na babae laking lolo at lola po cla magkapatid at hnd nya po alam kung buhay pa o patay na ang mga lolo at lola nya,ang tatay nya po ay matagal ng patay at ang nanay nya po ay nag asawa ng iba kaya hnd po nkapag aral ang hipag ko at kaya din po ang lolo at lola nya ang nagpalaki sa kanila magkapatid sana po ang programang wish ko lang ang maging susi para mag kita ang hipag ko at ang kapatid nya ahil po sa tagal nila hnd nagkikita halos hnd nya na po alam pano m,agsalita ng salitang CEBU,,makita lang po nya ang kanyang nag iisang kapatid na babae ay malaking tulong at regalo na po para sakanya un...sana po ay bigyan nyo ng pansin ang aking munting hiling na matulongan ang aking hipag na si jocelyn campus ng CASUGAD BULA CAMARINES SUR e2 po ang aking cel.#09096162006  MS VICKY SANA PO MAPANSIN AT MAPILI NYO ANG AKING SULAT PRA SA AKING HIPAG MARAMING SALAMAT PO.............



     

  11. Guest7548

     Dear Mam Vicky,


          Mapagpalang umaga po sa inyo at sa mga kasama po  ninyo sa inyong programa. Ako po ay dumudulog sa programa ninyo upang makahingi po ng inyong tulong... May kakilala po akong nag ngangalang Agnes Laxamana... Siya po ay walang trabaho at ang asawa rin po niya ay walang trabaho sa kadahilanang hindi na po umaabot ang edad niya sa pagtratrabaho..May anak po silang isang babae ito po ay 2 taong gulang na ngunit hindi po ito nakakarinig at nakakasalita (pepe). Nais ko po sana dumulong sa inyong programa na matulungan po sila... Ang pinaghihingian po nila ng tulong ay ang kanyang ina na 71yrs.old na biyuda..nakakahiya po savihin wala na po ko alam na pwedeng mahigian ng tulong para po sa kanilang mag-asawa...Ako po ay awawng awa na sa kanila dahil halos hindi na po sila makakaen dahil minsan ay hindi rin po sapat ang nabibigay na tulong ng kanyang ina..Dahil po kung minsan ang kanyang ina ay bumibili din po ng gamot para po sa catarata at kidney niya..


      Ako po ay isang nagmamalasakit kay Agnes dahil sa nakikita ko pong kalagayan nila, Nais ko po sana na hindi na po magpakilala sa kanila kung sakali po na matulungan ninyo sila....Ako po ay dumudulong at humihingi po ng labis na tulong at maraming unawa...Ang address po nila ay # 22 CBMU UPPER KALAKLAN OLONGAPO CITY..


      Maraming SALAMAT PO. Sana po ay mapili ninyo po itong liham ko..


                                                                               sincerely yours,


                                                                                              Anonymous

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 12 years, 9 month(s) ago.
This question has 11 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.