Question:

kasalungat ng nakasimangot

by Guest5261  |  12 years, 8 month(s) ago

17 LIKES UnLike

Ano ang kasalungat ng mga sumusunod na salita:nakasimangot,kapanga-pangarap,pagpapaunlak,alalahanin,pagkahilig,mensahe,pagsangga,magkatunggali,naatasan,sa akin, karangalan

 Tags: kasalungat, nakasimangot, NG

   Report

1 ANSWERS

  1. Guest1436
    nakangiti, nagagalak, etc

    Wagas na Pagmamahal ang Tagapamahala ng Wika’t Kalikasan


    Minsan sa buhay masaya't malungkot, magulot' makulay
    Ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan,
    Mula sa pagsilang, patungo sa kamusmusan
    Maging sa paglaki, hanggang kamatayan.

    Iisang diwang aangkinin
    Iisang landas na tatahakin
    Iisang mithiin ang sa puso'y sumisibol
    Iisa rin ang himig na ating binibigkas

    Ang buhay natin ay regalo ng kataastaasan,
    Regalong buo't walang labis
    Regalong taimtim at banal,
    Regalong hanggang kailan ma’y atin.

    Tayo’y ginawa ng may pagsinta’t pagiliw ng Poong May Kapal
    Tayo’y ginawa na may tungkuling gagampanan.
    Tungkuling pahalagahan ang bawat likha
    Tungkuling bigyan pansin ang kulang.

    Kalikasa’y bigyan mahal sapagkat ito’y buhay ng mundo,
    Bigyang diin ang sumasaloob dito.
    Sa pagising sa umaga liwanag ng araw sadyang masilaw sa matang may hiwaga,
    Haplos ng hangin ay ginhawa ng daigdig
    Tinig ng mga ibon, halimuyak ng mga halaman ay simoy ng saya ng bawat isa.
    At bawat tindig ng mga tao’y ngiti ng sagradong mundo.

    Wika’y ating mahalin sapagkat ito’y diwa ng mundo, sagrado at nagiisa.
    Buong puso at may pagtitiwalang babangitin,
    Buong buhay na aalagaan at gagalangin.
    Mahal kita aking wika ikay akin, ako’y iyo walang hanggan na pupurihin.
    Sapagkat wika ang daan ng pagkakaunawaan
    Sapagkat wika ang daan ng karunungan at karangalan.

    Mga tao ng mundo huwag mabalisa, tayo’y may papupuntahan
    Magbigay ng pagmamahal sa mundong naghihintay
    Buksan ang palad, iguhit ang pagbabago, simulan sa sarili.
    Hali na! pamahalaan natin ang Wika’t kalikasan
    Ito ang susi sa pinto nang kanaisnais na buhay.
    Susi sa Wikang maka Diyos, Susi sa kalikasang nais ng Diyos.


    Geoffrey Sodusta

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 8 month(s) ago.
This question has 1 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions