Question:

Balagtasan piece for buwan ng wika presentation

by Guest2132  |  12 years, 9 month(s) ago

8 LIKES UnLike

Balagtasan piece for buwan ng wika presentation

 Tags: balagtasan, Buwan, NG, piece, presentation, Wika

   Report

5 ANSWERS

  1. Guest7050
    sAnt3

  2. Guest8212
    Maria Clara vs. Marie Claire
    Konserbatibo o dalisay na Pilipina?

    Tagapagsalita: Magandang Hapon kababayan
    Halina’t saksihan
    Kilatising mabuti ang kurong bibitiwan
    Nang dalawang dalagang Pilipina
    Na sa panaho’y nagkakaiba

    Maria Clara: Ako po si Maria Clara
    Isang Pilipinang lumaki sa kultura
    Dalisay, banayad, aking katauhan
    Malaking pagkakaiba sa dalagang kasalukyan

    Marie Claire: Sagisag ko ang modernong kadalagahan
    Inyong lingkod, Marie Claire ang pangalan
    Palaban, liberal laman ng isipan
    Sandata ng kababaihang di-napagiiwanan

    Maria Clara: Salitang liberal aking kinatatakutan
    Pagkat madalas gamitin ng dalagang kabataan
    Pagkilos ay mali, nag-iiba ang ugali
    Hala! Sa kanluraning banyaga inyo itong isauli!

    Marie Claire: Maria, Maria sa paligid mo’y tumingin ka
    Sa telebisyon, sa radyo, maging sa mga kanta
    Paglalantad sa sarili ang palagi’y tema
    Sining ang nagdala, umayon mga dalaga!

    Maria Clara: Sining din nga ba ang nagdala
    Nang mga dami’t na nakahihiya
    Hindi sarili ngunit katawan ang nalalantad
    Agaw atensyon, kaluluwa’y nakita na

    Marie Claire: Nasa katawan kung anong nais na kasuotan
    Respeto sa sarili kanya nyang gampanan
    Mga mithiing nais ilabas sa kaisipan
    Sa panahon mo Maria hindi mo iyan karapatan

    Maria Clara: Oo pagka’t kami’y sumusunod
    Mabubuting payo’y aming kinalulugod
    Paggalang at pag-aaral aming inuuna
    Hindi ang pinsalang tawag nyo ay ‘pagsosyota’

    Marie Claire: Marami sa min pag-ibig ay tinatama
    Silbi nito’y inspirasyon sa mga paggawa
    Sa panahon niyong dati, ito’y ikinukubli
    Bakit Maria? Kayo marahil’y sakal ta tinatali

    Maria Clara: Maaring yaon nga ay tama,
    Ngunit hindi mo maikakaila
    Marami sa inyo’y sa pag-ibig napariwara
    Anong iyong tugon, modernong dalaga?

    Marie Claire: Nasa kababaihan
    Ang pag-iingat na kailangan
    Alam niyang marahas ang mundong kasalukuyan
    Kung sa bagay, uso narin naman ang makiayon sa karamihan

    Maria Clara: Kita mo na modernong dalaga,
    Umamin ka rin kapagdaka
    Ilan na lang ba ang sa inyo’y birhen pa?
    Sa magiging asawa kayo’y nakahihiya!

    Marie Claire: Pakialam namin sa mga kalalakihan
    Kung binibigay din namin aming kagustuhan
    Kaunti narin naman ang birhen na kalalakihan
    Dapata patas na ang lalaki’t mga kababaihan!

    Maria Clara: Anong kaisipan ang sa iyo’y nababalot?!
    Nilamon na ang dignidad ng impluwensiyang salot!
    Asan na ang mga payo, kultura ba’y natuyo?
    Kung ganyan ang kasalukuyan, nanaisin ko ng mamatay!

    Marie Claire: Maging ganyan ka dalaga,
    Isang robot, isang alila
    Sunod lamang ng sunod
    Hinahayaang magpatapak

    Maria Clara: Magsuot man ng sayang pagkahaba-haba
    Tikoy ma ang bibig, wala namang pagkakasala
    At kung birhen ma amin itong pinagmamalaki
    Pagka’t pagmamahal ng asawa’y di sa amin mababali

    Marie Claire: Sabihin mo na ang mais mong sabihin
    Ipaglaban mo na lahat ng yong mithiin
    Ngunit kung paninindigan ang pagusuapan
    Modernong kababaihan iyong tutularan

    Tagapagsalita: Ang lahat ay nagbabago
    Buhat ng dikta ng iyong gusto
    Tapusin na iyong mga pahayag
    Pagpapaalam, atin nang ilatag

    Marie Claire: Ang modernong kadalagahan
    May sariling kaisipan
    Dignidad ay ingatan
    Respeto pari’y pangalagaan
    Walang masama sa dikta ng kasalukuyan
    Basta’t lumugar ka’t sarili mo’y protektahan
    Dito natatapos aking pahayag
    Pagsalitain na ang konserbatibo’t ng ako’y makalayag

    Maria Clara: Ang dalisay nma kababaihan
    May kulturang sinilangan
    Sumusunod sa mga payo
    At sarili’y malaki ang respeto
    Walang masama kung mananatili kang aba
    Birhen ka man, sa kabiyak mo’y ika’y dakila
    Konserbatibo ma’y malinis ang hangarin
    Kagandahang sa kasalukuya’y tiyak na iibigin

    Tagapagsalita: Inyong natunghayan, pahayag ng dalawa
    Palitang kuro ni Marie Claire at Maria Clara
    Isang modernong kababaihan
    At ’sang may kulturang kinagisnan

    Parehong naglabas ng kanya-knayang kuro
    Parehong ang sa atin ay maituro
    Iiwan ko sa inyo ang pagpapasya
    Pilipinang moderno ba o dalisay na dalaga?
  3. Guest1868
    pahiram lang po para sa takdang aralin namin sa asignaturang Filipino..
  4. Guest7763

     i dont know.. hehe

  5. Guest1218

     ...modernong kababaihn..madalas ay di tma kya namn panalo itong si marai clara..dignidad ang inuuna at hindi ang impluwensya..kh8 ito'y uso pa...dapat itapon sa basura!!..

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 2 month(s) ago.
This question has 5 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.