Question:

anu-ano ang mga pamahalaan ng piilipinas meron bago dumating ang kastila

by Guest8255  |  12 years, 9 month(s) ago

1 LIKES UnLike

anu-ano ang mga pamahalaan ng  piilipinas meron bago dumating ang kastila

 Tags: ang, Anuano, bago, dumating, kastila, Meron, MGA, NG, pamahalaan, piilipinas

   Report

2 ANSWERS

  1. Guest7846
    Panahon Bago Dumating Ang Kastila
    A.
    Kapaligirang Pangkasaysayan
    1. Ang mga negrito o Ita

    Ang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o Ita. Walang sariling kulturang masasabi ang mga Ita. Wala silang nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa sining, sa pagsusulat at sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalaman kundi ilang awitin at pamahiin.
    2. Ang Pagdating ng mga Indonesyo

    Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukao kaya’t sila’y mapuputi at manilaw-nilaw ang mga balat. Walang masasabi gaanong kultura ang kanilang dinala rito liban sila’y marunong nang mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga halaman at marunong nang magisda. Pagkaraan ng 4000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit. Iba ang mga hitsura nito kaysa mga unang Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mga Indonesyong ito’y nakahihigit ng kalinangan kaysa doon sa una. Sila’y may sarili nang sistema ng pamahalaan, may mga hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at may dalang panitikang gaya ng epiko, kuwentong bayan, mga alamat, mga pamahiin at pananampalatayang pagano. Sila ang mga ninuno ng mga Ipugaw.
    3. Ang Pagdating ng mga Malay

    Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay nakarating dito noong kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes.

    Ang ikalawang pangkat ay dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Sila ang nagdala ng Baranggay.

  2. Guest7231

     tama ba to????

Sign In or Sign Up now to answser this question!

Question Stats

Latest activity: 13 years, 5 month(s) ago.
This question has 2 answers.

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions